FAQ

Account

Maari ba akong magkaroon ng dalawang accounts sa Umbrella?

Ang Umbrella Account ay gumagana lamang per person / per device.

Maari ba akong maka-apply ng pangalawang loan kahit may active loan pa ako?

Hindi. Pinapayagan ka lamang ng isang active loan. Para maka-apply ka ng pangalawang loan, kailangan mo munang ma-settle ang iyong unang loan.

Na-uninstall ko na ang App, maaari ko pa rin bang ma-access ang aking account?

Para ma-access ang iyong account, paki re-install muna ang Umbrella App. Mag sign-in gamit ang iyong registered email address sa App.

Maaari ba akong mag sign-in gamit ang kahit anong email address?

Opo, ang tatanggapin lamang na email address ay yoong naka registered sa Umbrella App.

Paano kung hindi ko payagan ang mga hiningin permissions?

Ang Umbrella loans ay bumabase sa nakolekta na data sa iyong Smartphone. Hindi ka mabibigyan ng loan credit kung hindi mo papayagan ang mga permissions sa iyong phone.

Anong mga IDs ang tinatanggap para sa ID document?

Ang mga sumusunod lamang ang tinatanggap na IDs:

  • Philippine Passport
  • NBI Clearance
  • Driver’s License
  • UMID

Anong mga documents ang tinatanggap para sa Address Proof?

Ang mga sumusunod lamang ang tinatanggap para sa Address Proof:

  • Electricity Bill, Water Bill, Internet Bill, Landline Bill
  • Secondary IDs:
    • TIN ID
  • Philhealth
  • Postal ID
  • Barangay Clearance
  • Police Clearance
  • Voters ID
  • NBI Clearance
  • Community Tax Certificate

Umbrella loans

Ano ang Service Fee?

Kami ay nagbibigay ng 8.8% na service fee at hindi ito nagbabago kahit gaano katagal ang duration ng iyong loan. Hindi kami naglalagay ng interest rates sa Service Fee, ngunit kung ang iyong loan ay nag overdue na, magkakaroon ka ng penalty charges.

Paano ang computation ng interest rates?

Ang computation ng interest rates ay depende sa pinili mong durationg ng loan, maaring 1, 2 or 3 buwan.

Bakit na-reject ang aking application?

Gamit ang mga pahintulot na iyong ibinigay sa Umbrella, tinitignan ng aming system ang mga dokumentong inupload at magdedesisyon kung ikaw ba ay magkakaroon ng credit. Ang mga loan application ay na-rereject kapag hindi tugma ang mga kondisyon sa nasabing system.

Paano ko matatanggap ang aking loan?

Ang mga loans ay maaring matanggap sa dalawang paraan: GCASH o sa Cebuana Lhuillier.

Para makatanggap ng loan via GCASH, kailangan mong magkaroon ng verified account sa Gcash . Walang kaukulang singil para sa method na ito.

Kung ang pinili mo ay Cebuana Lhuillier, mag antay ng text message mula sa Umbrella. Ang text message ay naglalaman ng Sender’s Name at Control Number para sa pag claim ng iyong loan. Maaring i-claim ang loan sa kahit saang Cebuana Lhuillier branch. Paalala, ang Cebuana Lhuillier ay nagkakaltas ng transaction fee mula sa iyong loan. Maaring makita ang eksaktong amount ng transaction fee sa Umbrella App.

Gaano kadali makuha ang loan?

Ang Documents Approval ay tumatagal mula isang oras hanggang isang araw. Kung pumasa ang lahat ng documents sa system at naka-schedule na ang pag transfer ng loan, matatanggap ang iyong loan sa loob ng 24 oras. Sa panahon ng public holidays at weekends, asahan ang mas matagal na pag-approve ng loan application. Ang loan disbursements ay mula Lunes hanggang Biyernes, at walang disbursements sa mga araw ng public holidays at weekends.

Ano ang ibig sabihin ng Daily Quota?

Ang loans na ibinibigay namin araw araw ay dumedepende sa daily quota. Ang Daily Quota ay ang nakatakdang limit bawat araw. Kung ang limit ay naabot na, hindi na maaaring makapag apply ng loan.

Kelan mawawala ang kota?

Mawawala ang kota pagpatak ng 12am bawat araw. Makikita muli ang ‘Apply’ button hanggang sa maabot muli ang kota.


Loan Payment

Na un-install ko na ang Umbrella App, paano ako makakabayad?

Pumunta sa Google Play at i-install muli ang Umbrella App. Kapag nakabayad na, makaka-apply ka ng panibagong loan ng may mas mataas na loan amount.

Pwede ba akong makapag reloan kapag nabayaran ko na ng buo ang aking loan?

Opo, mabibigyan ka ng bagong pre-approved credit para sa susunod na loan.

Kelan mag-re-reflect ang aking payment?

Kung ikaw ay nagbayad sa pagitan ng 6.01 ng nakaraang araw hanggang 2pm ng kasalukuyang araw, ang iyong bayad ay mag re-reflect sa App ng 3pm ng kasalukuyang araw. Kung ikaw ay nagbayad sa pagitan ng 2.01pm hanggang 6pm ng kasalukuyang araw, ang iyong bayad ay mag re-reflect nang 7pm ng kasalukuyang araw.

Saan ako magbabayad ng aking loan?

May tatlong paraan upang magbayad ng iyong loan.

  1. 7-Eleven Bills Payment
  2. Gcash Bills Payment
  3. At any ECPay Outlet

Kailangan ko bang i-send ang aking payment slip sa Umbrella?

Hindi mo na kailangan ipadala ang payment slip. Ngunit, minumungkahi namin na itago ang payment slip hanggang sa mag-reflect ang iyong bayad sa App.

Maaari ko pa rin bang magamit ang parehong collection ID noong huling beses ako nagbayad?

Opo, maaari mo pa ring magamit ang parehong collection ID.

Hindi sapat ang aking pera, maaari ba akong mag partial payment?

Pwede po. Sa katunayan, iminumungkahi namin ito upang makatulong sa pag budget ng iyong pera.

Maaari ba agad akong makapag loan ng 10,000 pesos? Magkano ang aking susunod na loan?

Ang aming loans ay bumabase sa dalawang bagay:

  1. Ang halaga ng nakaraan na loan
  2. Pagbayad sa takdang araw

Maaari ba akong magbayad kahit sa weekends?

Pwede po. Ang mga payment channels ay tumatanggap ng bayad 24x7. Magbayad sa kahit saang 7-Eleven stores, gamit ang iyong Gcash App o sa kahit saang ECPay Outlets.

Anong mangyayari sa aking account kung hindi ako makakabayad sa takdang araw?

Nagbibigay kami ng pitong araw na palugit mula sa iyong due date na may kasamang maliit na penalty fee. Kapag hindi pa rin nakabayad sa binigay na palugit, magbibigay muli ng dagdag na pitong araw na may dagdag rin na penalty fee. Kapag nabigo pa rin na makabayad, ang account ay pansamantalang ma-blo-blocked at sisingilin ka ng buo kasama ang mga penalty fees.

Ilang instalments ang pwedeng kong gawin sa custom schedule option? Meron ba itong dagdag na interest charge?

Ang pinakamarami mong magagawa na instalment sa custom schedule ay tatlo. Wala itong dagdag na interest charge sa kabuuan mong loan.

Paano kung meron akong hindi nabayaran sa aking custom schedule?

Sa oras na hindi makabayad sa custom schedule, maaari itong makaapekto sa mga susunod na loans. Kaya iminumungkahi namin na sundin ang schedule sa pagabayad.


Customer Support

Paano namin makakausap ang inyong customer support?

Maaring pumunta sa Umbrella App at hanapin ang Help button. Ito ay matatagpuan sa itaas na kanang bahagi ng iyong Umbrella App.

Ang customer support niyo ba ay 24x7?

Ang aming customer support ay mula Lunes hanggang Biyernes, 9am to 6pm, maliban sa public holidays.